Panunuring Pampelikula
I. Pamagat: ANAK
II. Tema:
Ang Pelikulang Anak ay patungkol sa isang ina, bilang Overseas Filipino Worker, na napilitang umalis ng bansa upang mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya.
III. Manunulat: Raymond Lee and Ricardo Lee
Direksyon ni Rory B. Quintos
IV. Mga Nagsiganap:
Pangunahing Tauhan
· Vilma Santos- Josie
· Claudine Barretto- Carla
· Joel Torre- Rudy
· Amy Austria- Lyn
· Baron Geisler- Michael
· Sheila Junsay- Daday
· Cherry Pie Picache- Mercy
Iba pang Tauhan
· Leandro Muñoz- Brian
· Gino Paul Guzman- Don Don
· Tess Dumpit- Norma
· Jodi Sta. Maria- Bernadette
· Cris Michelena- Arnel
· Hazel Ann Mendoza- Young Carla
· Daniel Morial- Young Michael
· Odette Khan- Mrs. Madrid
V. Kumpanyang Gumawa: Star Cinema Productions film
VI. Uri ng Pelikula:
Ito ay isang uri ng pelikula na panglipunan. Ipinapakita nito ang takbo ng buhay ng isang tao o pamilya sa isang lipunan.
VII. Buod:
Isang ina na napilitang magtrabaho sa Hongkong upang kumita si Josie.Ginawa niya ito upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Nagsimula ang kanilang buhay bilang isang simpleng mag-anak ngunit ng yumao ang asawa ni Josie na si Rudy, doon na nagsimula ang pagkakawatak watak ng pamilya. Hindi kasi noon nakauwi si Josie nang mamatay ang asawa dahil siya ay ikinulong ng amo niya nang may isang buwang itong umalis at hindi rin niya nabalikan ang mga anak.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hongkong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday, ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael ay mahiyain at walang kimi at si Carla, na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang paninigarilyo, tattoo, paghihithit ng droga, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.
Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang inimpok na salapi para sa kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hongkong, napuno si Josie sa pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos niya ang lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga mata ni Carla sa katotohanang siya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili niya dahil sa pagpapalalo niya sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.
A. Ayon sa Artistiko at Teknikal na Kaanyuan
a. Maayos ba at hindi nakalilito ang pagkakabalangkas ng mga pangyayari?
Ang mga pangyayari ay maayos at hindi nakalilitong nabalangkas mula sa simula hanggang sa wakas ng pelikula.
b. May sapat bang damdamin o panlasa sa kagandahan o sining?
Ang kabuuan ng pelikula ay mayroon at nagpakita ng sapat at totoong damdamin para sa paksa ng pelikula na siya ring nagbigay ganda sa pag-usad ng kwento nito.
c. Makatotohanan at mahusay ba ang pagkakaganap ng mga tauhan?
Ang mga tauhang nagsiganap ay sadyang hindi matatawaran dahil sa galing nilang gampanan ang bawat karakter nila sa anumang mukha ng buhay o sitwasyon na kanilang kinahaharap sa buong pelikula.
d. Lahat ban g tagpo ay malinaw at mahalaga sa pinapasksa?
Ang mga tagpo sa loob ng pelikulang ito ay nagawa at naipalabas ng malinaw. Ang bawat pangyayari naman ay mahahalaga dahil lahat ng mga iyon ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng pamilyang Pilipino.
B. Pagpapahalagang moral
May natutuhan/naibahagi ba?
Ang Pelikulang Anak ay isang magandang palabas para sa ating mga Pilipino. Ito ay nagpapakita ng mga sitwasyong totoong nangyayari sa loob at labas ng bawat pamilyang Pilipino.
Maraming mga pagpapahalagang moral ang naibahagi ng pelikulang ito. Katulad na lamang ng mga sumusunod :
· Tunay at wagas ang pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak.
· Ang Ina ay handang tanggapin at mahalin ang kanyang mga anak maging anu pa man ang mga kamaliang nagawa nito.
· Ang lahat ng tao ay may kakayahang magbago at magbalik-loob sa tamang landas.
· Ang lahat ng tao ay may dahilan kung bakit sila ay nagsasakripisyo para sa ibang tao.
· Ang pagpapakatatag ng tao sa pagharap sa kanyang mga problema ay mahalaga upang malagpasan ang mga pasakit ng buhay.
Ang mga aral na iyan ay dapat taglayin ng bawat isa sa atin dahil ang mga iyan ay makatutulong sa atin upang mapagtagumpayan natin ang ating mga buhay. Hindi lamang iyan gayundin ang mga simpleng aral na makikita pa rin sa loob ng pelikula ay makatutulong din. Ang mga aral na makikita ay base sa paraan ng ating pagtingin sa buhay.
C. Pangwakas
Reaksyon o Mungkahi
Ang Pelikulang Anak ay isang palabas na sadyang masasabi nating kayamanan sa industriya ng larangan ng pelikulang gawa ng mga Pilipino. Ako ay lubhang humanga sa galing ng mga taong nagsiganap sa pelikulang ito kaya ganun na lamang ang pagpapahalaga ko sa pelikulang ito. Ang takbo rin ng istorya nito ay aking naibigan sapagkat napakamakatotohanan ng bawat pangyayari rito. Ang pagbibigay ng damdamin ng mga tauhan sa kanilang mga karakter ay masasabi ko rin talagang makatotohanan na tila bagay sila talaga ang nasa ganoong sitwasyon ng buhay.
Maliban naman sa ganda ng kwento at galing ng mga tauhan, nagustuhan ko din ang paraan ng pagkakagawa nito. Simple lamang ang pagkakabuo ng pelikulang ito mula sa mga lugar na pinagkunan ng mga eksena hanggang sa mga awiting maririnig sa mga madadramang eksena ay naging angkop naman sa mga dapat maganap at nagaganap.
Dahil sa kagandahan ng pagkakabuo ng pelikulang, ito ay nanalo ito ng maraming karangalan patunay lamang na ito ay isang makabuluhang palabas. Sana ay makagawa pa ng iba pang pelikula na may ganito kagandang produksyon at pagkakaganap ng mga tauhan.
isang maituturing na napakagandang pelikula na nagawa ni Vilma Santos. Tumatagos sa damdamin ang bawat eksena at tagpo na lalong nagpaganda sa kabuuang pelikula. Hanga ako sa ganda ng kwento ng Anak.
ReplyDeletenapakaganda.
ReplyDeletenapakaganda kaibigan
ReplyDeletenakakatouch sobra
ReplyDeletenakaka touch kasi nangyari din s pamilya k yan at iniwan k mga anak k..para mgtrabho sa ibng bansa
ReplyDeleteTenkyuuu
ReplyDeletenapakagandang pelikula
ReplyDeleteGrabe naiyak talaga ako ng mapanoif ko iyang anak bilang anak alam ko Ang nararamdaman ng Isang Ina
ReplyDelete