1998-2011, Tula para sa 3 Pangulo ng Pilipinas
Mula ika-30 ng hunyo,1998 hanggang ika-20 ng enero,
2001
Joseph Ejercito Estrada, ang pangulong tumayo.
Sa Lungsod ng San Juan bilang mayor, unang namuno
“Erap para sa mahirap” ang sa baya’y pangako,
Kaya masa sa kanya ay nagtiwala at siyang binoto
Naging Pangulong tunay sa bayan,
Nais na ang paghihirap ng baya’y maibsan,
Di pagkakaunawaan sa kapwa Pilipinong Muslim nais
ding wakasan, ugnaya’y nais higpitan.
Adhikain ding krimen ay mabasan, nahirapang nga lang
masolusyunan.
Di nagtagal siya ay naghusgahan ng salang pagnanakaw
sa kaban ng bayan.
Kanyang nanunungkulan ay winakasan,
Sa bahay niya ay ang kinahantungan.
Sa pagkapangulo ay hinalinhinan.
Gloria Macapagal-Arroyo, anak ng dating butihing Pangulong Diosdado Macapagal,
ang pumalit sa Erap ng Bayan.
Taong 2001, sinimulan niya ang panunungkulan
at tumagal ng siyam na taong naglilingkod sa bayan.
Mga pangakong hindi naisakatuparan ng mahusay,
naghahanap ang mga mamamayan ng kasagutan.
Mga nagawa niya ay nakatulong din sa ekonomiya ng
bayan,
Di nga lang alintana dahil sa kasalatan sa maraming
bagay.
ZTE scandal ang napag-usapan ng matagal at ang HELLO
GARCI napag-usapan.
Ang bayan ay naitriga ng tunay…
Ika-30 ng hunyo,2010 natapos ang panunungkulan,
Ang bayan naman ngayon ay humihingi ng katarungan
sa mga bagay na siya ay pinaratangan.
Mga pagkakasalang nais mapagbayaran, at ang mga
nagawang bagay para sa baya’y natabunan.
Iyan ang Pilipinas, matapos niyang pamunuan.
Pangulong Benigno Simeon Aquino III, PNOY sa
pagkakakilala ng buong sambayanan,
Isinisigaw ng bayan, pagbabago ang iyong ibigay.
Sa kasalukuyan siya ang nanunungkulan, katuwiran ang
nais iabot sa mga mamamayan.
2010 ng nagsimula, ngayon 2011 ay may naipakita ng
nagagawa.
Hindi sukat akalain “wangwang” na pahirap ng bayan
Ay siyang malaking pangarap niyang wakasan.
Hiling niya rin sa bayan, na siya ay samahan
Sa pagsagot sa mga problemang naiwan na buong
bayan ang may pasan-pasan.
Para sa matuwid na daan ating sabay-sabay na samahan si Pangulong Noynoy na nakikipaglaban.
Kabataan tayo ng bayan, hinihiling ang maunlad na kalayaan,
At kagalingan sa buong mundong kinatitirikan
Demokrasya buong-buo sana ngayon ay matikman….
Good write ups, but may i suggest kindly recheck the spellings.
ReplyDeleteThanks for making time to read my post and for writing a comment. At least I know someone has noticed my blog. :)
Delete